Martes, Setyembre 1, 2015

EDUKASYON: "Kasing Halaga ng Ginto"




“Edukasyon ay di mananakaw ninuman, kultura ang kinapapalooban ng mga paniniwala’t kaugalian, palakasan ang daan sa pakikipagkaibigan, sandatang kailangang maangkin ng kabataan.  ”


Isang maaliwalas na umaga sa inyong lahat. Ako ay nasa inyong harapan upang magbigay ng kaalaman tungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa ating lipunan at maging sa ating bansa. Sa bawat sandali na ginugugol ko sa pag-aaral tila hindi nagbago sa akin ang salitang edukasyon. Ang edukasyon ay ang pag-aaral sa kasanayan .  Ngunit bakit nga ba mahalaga ang mag-aral? Bakit nga ba mahalaga ang edukasyon?


Maraming nagsasabing napakahalaga ng edukasyon dahil maging ako ay naniniwala doon. Simpleng salita lamang ito ngunit nakakapagpabago ito sa iyong pananaw sa buhay. Noong ikaw ay musmos pa lamang ang tanging pangarap mo lang ay ang maglaro ng maglaro ngunit ng ika’y nagsimulang mag-aral na unti-unti na itong nagpabago sa iyong pananaw hanggang sa ang mga tanging pangarap mo noon ay bahagi na lang ng iyong alaala bilang isang bata at napalitan ng pangarap na mas mahirap abutin. Dahil sa may sapat na tayong kaalaman dahil sa edukasyon ay mas nagkakaroon ng halaga ating buhay, mas nagkakaroon tayo ng pag-asa na umunlad, mas nagkakaroon ng saysay ang mga bagay-bagay para sa atin dahil sa edukasyon. Ngunit hindi basta-basta makuha ang magandang edukasyon na ating hinahangad nasa pagtitiyaga rin ito at maging sa pagbubuti sa iyong pag-aaral. Mahirap ang daan upang makakuha ng isang kumikinang na dipoma. Isa ako sa maaring magpatunay sa mga iyan. Marami ang kailangang pagdaanan para makamit ang ating mga pangarap , maraming pagsubok ang kailangang harapin, maraming bagay ang kailangang tiisin at higit sa lahat maraming pagkakataon ang dapat isakripisyo ngunit palagi nating tandaan na hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa madaling paraan. Sa pag-aaral, kailangan nating ng dalawang bagay na nagpasikat kay Manny Villar: Sipag at Tiyaga.



Ang edukasyon ay isang bagay na hindi mananakaw ninuman. Ito ang ating magiging daan patungo sa ating mga pangarap. Kaya kung ikaw na nasa upuan at nakikinig sa aking harapan, kumilos ka at huwag nang tatamad-tamad kung gusto mong magkaroon ng magandang kinabukasan sapagkat ang kabataan ang tanging pag-asa ng bayan at ang edukasyon ang tanging susi sa kahirapan. Lagi nating tandaan ang edukasyon ay walang pinipiling estado sa buhay, mayaman o mahirap ay may karapatan na makapag-aral at matuto . huwag nating hayaan na ito ay maging hadlang sa ating pangarap sa halip ay gawin natin itong pagsubok sa atin upang lalo tayong magporsige sa pag-aaral at higit sa lahat magbigay loob tayo sa Maykapal sapagkat kung hindi dahil sa kanya wala tayo rito ngayon, huwag natin Siyang kalimutan sa bawat desisyon na ating gagampanan. At sa uulitin hangad ko ang inyong tagumpay. Yun lang at maraming salamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento